Aljur, Kylie ikinasal na!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 12 Dec 2018 09:40:55 +0000

 

 

THE newlyweds Aljur Abrenica and Kylie Padilla (IG)

THE newlyweds Aljur Abrenica and Kylie Padilla. (IG)

NATULOY na rin sa wakas ang pinakahihintay na kasal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Idinaos ang intimate Christian wedding ceremony nitong Martes sa Villa Milagros sa Rodriguez, Rizal.

Binahagi ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang video niya ng ceremony via Instagram.

Dito ay makikitang emosyunal pareho ang couple habang nakikinig sa pangaral ng pastor.

Sa pagtatapos ng seremonya, binilangan ng mga bisita ng sampu ang halikan ng dalawa.

Matatandaang naging magjowa si Aljur at Kylie noong 2011.

Away-bati ang relasyon hanggang sa humantong ito sa hiwalayan noong March 2014.

Nagkabalikan ang dalawa noong September 2016.

January nang sumunod na taon sumabog ang balita na buntis si Kylie sa anak nila ni Aljur.

Isinilang ang bata na pinangalanang Alas Joaquin Abrenica, noong Aug. 5, last year.

Congrats! (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/