Ano ang ginagawa ni Heart sa China?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 16 Jan 2019 12:54:14 +0000

 

HEART Evangelista

HEART Evangelista

NABIGYANG linaw na ang haka-haka na nagsu-shoot diumano itong si Heart Evangelista-Escudero ng kanyang mga eksena bilang si Collete Bing sa pelikulang “Crazy Rich Girlfriend” kaya ito nasa China.

Ang “Crazy Rich Girlfriend” ay sequel ng hit film na “Crazy Rich Asians” na dinirek ni Jon Chu mula sa best-selling novel ni Kevin Kwan.

Ayon sa isang article sa isang magazine, hindi pa raw nasusulat ang script para sa “Crazy Rich Girlfriend” at sa 2020 pa magsisimulang mag-shoot para rito.

“Chu is currently working on the feature adaptation of the Tony Award winner In the Heights, and once that goes into post, he’ll likely prep Crazy Rich Asians 2 & 3 for a 2020 shoot,” ayon pa sa article ng Deadline magazine.

Hindi rin daw available ang ibang cast ng “Crazy Rich Asians” dahil ang iba sa kanila ay nasa mga studios ngayon filming para sa bagong season ng kanilang kinabibilangan na TV shows.

Tulad ni Constance Wu na merong “Fresh Off The Boat” comedy series at si Nico Santos naman ay kasama sa series na “Superstore.”

Nagkasama-sama ang cast ng “Crazy Rich Asians” sa katatapos lamang na 2019 Critic’s Choice Awards sa Santa Monica, California dahil napanalunan nila ang Best Comedy Film award.

Samantala, heto ang isa sa mga naging post ni Heart while in China.

“As I take a look at this wonderful city skyline, I take a breath and give thanks for all that has been, all that is, and all that will be. Living every day with a grateful heart.”

Ano nga kaya ang ginagawa ni Heart sa China? Bakasyon lang ba o may bago siyang raket?  (RUEL J. MENDOZA)

http://tempo.com.ph/feed/