Monching, ayaw na mag-asawa muli

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 19 Jan 2019 07:30:09 +0000

 

timing box

 

 

KUNG Si Lotlot de Leon ay may bago nang asawa, wala namang balak mag-asawang muli ang first husband niyang si Ramon Christopher Gutierrez. Ang mga anak na lang daw niya ang kanyang aasikasuhin.

RAMON Christopher Gutierrez

RAMON Christopher Gutierrez

Ito raw ang sinabi ni Monching sa kanilang magkakapatid, ayon kay Janine Gutierrez. Ang mga kapatid niya ay sina Jessica, Maxine at Diego.

Aniya pa, masaya siya for her mom at magiging masaya rin siya for her dad if ever maisipan nitong mag-asawa muli.

Pinabulaanan ni Janine na nagkabalikan ang kanyang daddy at si Tina Paner na ex-girlfriend nito. Nagkasama lang daw ang mga ito sa isang show.

‘Yun lang daw ‘yun!

 

MAGPAKATOTOO NA KASI

Kahit ano’ng pangungulit ng press sa totoong estado ng relasyon nila ni Rayver Cruz, hindi napaamin si Janine. Ang pakiyeme niya, hindi pa sila officially together.

RAYVER Cruz and Janine Gutierrez (IG)

RAYVER Cruz and Janine Gutierrez (IG)

Noong birthday asalto kay Janine, effort kung effort si Rayver para mapasaya si Janine. Nag-effort din si Rayver makasama sa US vacation ni Janine with her daddy Monching and her siblings nitong nakaraang Holiday Season.

Present din si Rayver at may participation pa siya sa kasal ni Lotlot de Leon and her Lebanese fiance’. Parang miyembro na nga si Rayver ng pamilya Gutierrez. Ang lagay na ‘yun, hindi pa sila officially together ni Janine.

Oh, come on! Magpakatotoo na kasi.

 

AUDITIONS

Simula Jan. 21 hanggang Feb. 15, ang auditions para sa “Starstruck Season 7,” upcoming reality-based artista search ng GMA7. Monday to Friday ito sa GMA Annex building, 10 am to 6 pm.

Sa Jan. 26, sa Centrio Ayala mall sa Cagayan de Oro ang audition. Jan. 27 sa Robinson’s Place Butuan City. Feb. 9 SM Naga City.

Open ito sa mga 16 to 21 years old. Magdala ng birth certificate, 2 recent photos (close-up and full body).

http://tempo.com.ph/feed/