Retokada?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 31 Jan 2019 09:32:44 +0000

 

kampupot

NAIBULONG ng source namin na produkto raw ng thank you doktor ang aktres na loyal sa isang network na may teleserye sa isang sikat na network.

May pinagawa raw ang aktres para maenhance ang hitsura na lalong nagpaganda sa kaniya.

Pinagawa niya iyon bago umarangkada ang kaniyang career at career move yun ng aktres na nakakailan na ring teleserye na isa siya sa mga naging bida.

Perfect ang pagretoke sa aktres dahil maganda ang rehistro niya sa TV. Umaanggulo siya at award ang hitsura niya ayon pa sa source.

In fairness, maganda naman na siya dati pa pero sadyang hindi siya satisfied sa hitsura kaya niya pinaayos. Kaso nga lang may napuna ang source kung paano ito umarte.

Minsan nga raw sa isang eksena ng teleserye ng aktres nagkaroon ng confrontation scene na kung saan kasama ang magaling na aktor. Naku, eh hindi raw naibigay nung aktres ang akting na nararapat sa eksena.

‘Yun na nga, hilaw pa raw umarte ang aktres na ito.

Marami ang umaasa na eventually ay gumaling din siyang umarte. Sayang naman ang fez! (DANTE A. LAGANA)

http://tempo.com.ph/feed/