Not the marrying type?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 07 Feb 2019 12:20:40 +0000

timing box

 

 

 

NEXT month pa raw babalik sa Pilipinas si Lovi Poe. Wala naman kasi siyang bagong show sa GMA, kaya nag-e-enjoy siya sa kanyang US vacation.

LOVI Poe

LOVI Poe

Inaabangan ang pag-uwi ni Lovi dahil balitang may bago siyang boyfriend na isang Amerikano. Magsalita naman kaya si Lovi tungkol sa bago niyang love life?

Isang American din ang huling boyfriend niya, si Chris Johnson. Walang narinig kay Lovi noong nag-break sila. Para bang bigla na lang nag-disappear sa buhay niya si Chris.

Isang friend ni Lovi ang nagsabi ng she’s not the marrying type. How true kaya? Enjoy lang siya diumano sa pakikipag-boyfriend.

Na-link siya noon kay Cogie Domingo na ewan kung nagka-relasyon sila.

Ang lantarang naging boyfriends ni Lovi ay sina Cavite vice-governor Jolo Revilla, Ronald Singson, Rocco Nacino at Chris Johnson.

Nasa late 20’s or early 30’s si Lovi, kaya wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Sa mga modern at career-oriented women ngayon, mid-30’s ang ideal age for marriage.

 

CARLA Abellana

CARLA Abellana

NAG-IIPON PA

Thirty something na rin si Carla Abellana at waiting na siya sa marriage proposal ni Tom Rodriguez. Two years older siya kay Tom. Matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon at going strong pa ito.

Sa isang interbyu, sinabi ni Tom na nag-iipon pa sila pareho ni Carla bago sila magpakasal. Gusto nilang ma-secure muna ang kanilang future.

Hiling ng kanilang fans sa GMA Network, pagsamahin sila sa isang project.

Mukhang hindi agad mapagbibigyan ng network dahil may upcoming show si Tom na si Janine Gutierrez ang kanyang kapareha.

Si Carla naman ay kare-renew lang ng kontrata sa GMA7 at ibang aktor ang makakapareha niya sa mga inihahandang projects for her.

 

LUIS Manzano

LUIS Manzano

LUCKY GUY

Richer na naman by millions of pesos si Luis Manzano sa bago niyang product endorsement with his mom, Congresswoman Vilma Santos-Recto. Nakaka-good vibes ang commercial nilang mag-ina tungkol sa isang brand ng tuna.

Lucky guy talaga si Luis. Meron din siyang commercial with his dad, Edu Manzano bukod sa iba pa niyang solo product endorsements. Isa si Luis sa pinaka-in demand na product endorsers.

Maganda sanang pagsamahin silang tatlo sa isang commercial. Bongga ‘yun!

http://tempo.com.ph/feed/