Yasmien Kurdi, ga-graduate na!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 14 Feb 2019 13:30:55 +0000

 

YASMIEN Kurdi (IG)

YASMIEN Kurdi (IG)

TILA walang sawang mag-aral si Yasmien Kurdi. Ilang kurso na rin nga ang kinuha niya, tulad ng Foreign Service sa New Era University at Nursing sa Global City Innovative College.

Ngayon malapit na matapos ito sa kanyang kurso na Political Science sa Arellano University.

“Andami ko na ring nakuhang units sa college, tapos nakailang course shifts na rin ako, ‘nung una Foreign Service, tapos naging Nursing, pinakamatagal na nag-stay ako sa Nursing. Pero ang matatapos ko is Pol Sci,” pagmamalaki ni Yasmien.

Thesis defense na lang daw ang gagawin nila ng group mates niya at kapag napasa nila iyon ay tuloy ang pag-graduate nila this year.

“Super busy ngayon! Pagod na pagod ako ngayon kasi nag-re-defense kami pero ‘pag natapos ko na ‘yung thesis ko, eh di tapos na talaga, graduation na,” dagdag niya.

Pero sa gitna ng kanyang pag-aaral ay napagsasabay niya ang pagiging artista at pagiging ina at asawa.

Kuwento ni Yasmien, “Medyo mahirap siya kasi scheduling wise, kailangan kong i-balance lahat. Nag-so-sorry ako minsan sa asawa ko kasi na-mi-miss niya na ako. Sabi ko sa kaniya, ‘Konti na lang, mga one month na lang, okay na ako. Marami na akong free time.’”

Mapapanood si Yasmien soon sa GMA teleserye na “Hiram Na Anak.” (RUEL J. MENDOZA)

http://tempo.com.ph/feed/