Khalil Ramos wagi sa reality-game show ng Japan

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 19 Feb 2019 11:29:35 +0000

 

 

KHALIL Ramos (IG)

KHALIL Ramos (IG)

ANG galing ni Khalil Ramos!

Biruin mo tinalo niya ang mga kalabang Asian artists sa global reality-game show na “Find the Wasabi in Nagoya.”

Iba’t-ibang challenges nga ang hinarap ni Khalil sa paghahanap ng “secret spice” ng Nagoya, kung saan katunggali at natalo niya ang singer-actor na si Daniel Sher mula Singapore at actor-model na si Tay Tawan mula sa Thailand.

Bilang premyo ng kompetisyon, nakapag-perform si Khalil kasama ang isa sa pinakamalaking boyband ng Japan na “Boys and Men” sa Nagoya Dome na dinaluhan ng higit 35,000 na katao.

Sa loob nga ng limang episodes, nakipagtagisan sa bilis at diskarte si Khalil sa pagharap niya ng iba’t-ibang pagsubok upang tanghaling kauna-unahang Pinoy top hunter.

Isa lamang si Khalil sa Pinoy artists na matagumpay na kinikilala sa ibang bahagi ng daigdig sa patuloy na pagtataguyod at pagbabahagi ng ABS-CBN ng talento ng mga Pilipino sa buong mundo.

Balikan ang adventures ni Khalil at ang iba pang Asian spice hunters sa “Find the Wasabi” na mapapanood nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/