Ex-GF ni Arjo, masaya

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 05 Mar 2019 12:21:44 +0000

 

SAMMIE Rimando (IG)

NAGSALITA na ang ex-girlfriend ni Arjo Atayde na si Sammie Riman­do tungkol sa namuong relasyon ng kan­yang ex-boyfriend kay Maine Mendoza.

Noong November 2018 pa raw nagtapos ang relasyon nila ni Arjo. Kaya noong ma-link na raw si Arjo kay Maine noong ginagawa nila ang pelikulang “Jack Em Popoy…” wala na raw silang relasyon.

Masaya daw ito para sa aktor.

“Ayoko sanang magbigay ng com­ment… Hindi naman sa wala akong connection, but it’s their personal life. Basta masaya ako kasi masaya siya,” sey ni Sammie.

Nakatulong din daw na single ngayon si Sammie dahil mas maka­ka-focus na ito sa kanyang showbiz career. Member si Sammie ng girl group na Girl­Trends na napa­panood sa “It’s Show­time.”

“Sangayon, ayoko muna, magpo-focus muna ako sa career since yun din ang napag-usapan namin. Masaya ako ngayon kasi mas nagagawa ko ang mga bagay-bagay, mas marami akong nalalaan na time sa career ko,” pagtapos pa ni Sammie. (RUEL J. MENDOZA)

http://tempo.com.ph/feed/