Maine, Alden walang nabago

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 06 Mar 2019 16:00:21 +0000

timing box

 

 

 

WALANG nabago sa friendship nina Alden Richards at Maine Mendoza matapos aminin ng huli na dating sila ni Arjo Atayde. Friends pa rin sina Alden at Maine na ani Alden, happy siya for Maine.

Sana, ganu’n din ang AlDub fans nila. Tanggapin na lang nila na hanggang friends lang talaga sina Alden at Maine. Si Arjo ang nagpapasaya ng puso ni Maine.

Kahit hindi pa sila umaamin na officially together, ‘yun na rin ‘yun. Kung nasa ligawan stage pa lang sina Arjo at Maine, hindi magpo-pose ng sweet si Maine na siya pa ang nakayakap kay Arjo sa mga lumabas na photos nila. Halatang may something special na namamagitan between them. Halatang komportable na sila sa isa’t isa.

Alden Richards and Maine Mendoza

ALDEN Richards and Maine Mendoza

Magkasama silang nag-celebrate ng birthday ni Maine sa Taiwan. May apat pa silang kasama sa trip na ‘yun.

 

KAILAN?

Kung may Arjo Atayde na nagpapasaya ng puso ni Maine, kailan naman kaya magiging masaya ang puso ni Alden Richards? At sino naman kaya ‘yun?

Hindi naman priority ni Alden ang lovelife. Sa career at mga negosyo ang tutok niya. Magiging apat na ang branches ng Concha’s Garden Restaurant. May mga kaibigang kasosyo rito si Alden.

May franchise pa siya ng isang fast food chain na nasa Binan, Laguna at sa April 26 ang opening nito. Ang kapatid na babae ni Alden ang magma-manage at nag-seminar pa ito tungkol sa management.

By next week, paalis si Alden kasama ang “Eat Bulaga Dabarkads” papuntang Holy Land na treat ng producer na si Mr. Tony Tuviera.

 

PROUD BF

BEA Alonzo

BEA Alonzo

Proud si Gerald Anderson sa sexy photo ni Bea Alonzo na naka-two-piece swimsuit. Nagulat nga raw siya dahil hindi niya ini-expect na magagawa ‘yun ng kanyang girlfriend.

Ayon kay Bea, gusto lang niyang ipahatid ang mensahe na huwag mahihiya kahit ano’ng korte ng katawan mo at maging komportable. Gusto niyang mag-promote ng body positivity.

Nilinaw ng “Eerie” star na hindi porke nag-post siya ng sexy photo ay magbabago na siya ng image. So, there!

First time katrabaho ni Bea si Charo Santos na aniya, dream come true.

http://tempo.com.ph/feed/