Dinedma

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 26 Mar 2019 13:10:42 +0000

kampupot

 

MASAMA ang loob ng isang entertainment writer (EW) sa isang aktres na dati niyang inalagaan noong papasikat pa lang ito.

Recently daw kasi, nilapitan siya uli nitong aktres at humihingi ng tulong. Kesyo madalang na raw ang mga offers sa kanya at baka raw puwede uli siyang tulungan ni EW na makakuha ng project sa isang network. Aniya, siya na daw ang bahala kay EW kung sakaling magkaroon nga siya ng proyekto.

Dahil nga sa may pinagsamahan sila, tinulungan naman agad nitong si EW ang aktres.

Ginamit niya ang kanyang mga koneksyon sa industriya at suwerte naman na nakuhaan niya ng role sa isang teleserye ng malaking network ang aktres.

Masaya niyang tinawagan si aktres sabay bigay ng magandang balita. Tuwang-tuwa ang aktres at todo pasalamat kay EW.

Ang siste mo, hanggang doon na lang pala iyon.

Matapos makapasok sa teleserye, dedma na si aktres sa mga tawag at text ni EW tungkol sa komisyon nito.

Sey ni EW, naaalala lang siya ng aktres kapag nangangailangan ito.

Tsk, tsk, tsk. Bad ‘yun, ha? (ROWENA AGILADA)

http://tempo.com.ph/feed/