DonKiss bubuwagin na?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 24 Apr 2019 12:14:46 +0000

timing box

 

 

HINDI pa nga established ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin ay balitang bubuwagin na raw na ito. Unang ka-love team ni Kisses ay si Marco Gallo na nagbalik-Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlot niyang showbiz career. Si Kisses ang humiwalay sa kanilang love team for personal reason.

KISSES Delavin and Donny Pangilinan

KISSES Delavin and Donny Pangilinan

After Marco, pinagpilian sina Donny Pangilinan at Tony Labrusca kung sino sa kanila ang ila-love team kay Kisses. Kuno’y love triangle pa sila.

Bumongga ang career ni Tony noong nahiwalay siya sa kuno’y love triangle nila nina Kisses at Donny. Sa balitang bubuwagin na ang Donny-Kisses love team, sino kaya kina Donny at Kisses ang bobongga ang career at sino ang mapag-iiwanan?

Did we hear it right na gustong mag-concentrate muna ni Kisses sa kanyang upcoming solo concert? After that, what’s next for her?

 

ANSWERED PRAYER

DINGDONG Dantes (IG)

DINGDONG Dantes (IG)

More inspired, more motivated and more determined to work harder si Dingdong Dantes ngayong nadagdagan ang pamilya niya. Dream come true at answered prayer ang second child at baby boy nila ni Marian Rivera na pinangalanan nilang Jose Sixto Dantes 1V.

Super guwapo si Ziggy (palayaw ng baby) na ayon kay Dingdong, iba’t iba ang tawag sa bagets ng mga grandparents nito from both sides ng pamilya nila ni Marian.

Si Zia raw ang masusunod kung ano’ng itatawag sa kanyang baby brother. Sa interbyu kay Ding­dong ni Nelson Canlas para sa “24 Oras,” sinabi ni­yang super excited si Zia bilang ate. Ipinagbubuntis pa lamang ni Marian si baby Ziggy ay parati nilang sinasabi kay Zia na magiging ate na siya.

 

NAHILO

SHARON Cuneta

SHARON Cuneta

Sa 40th floor ng isang high-end building nakatira ang pamilya ni Sharon Cuneta at nasa bathroom siya nang lumindol. Napatakbo siya palabas na aniya, nahilo siya at napahiga.

Samantala, super proud si Sharon sa upcoming horror movie niya, ang “Kuwaresma” ng Reality Entertainment at Global Studios, directed by Erik Matti.

Co-stars niya sina John Arcilla at Kent Gonzales na showing sa May 15. Ani Sharon, ibinuhos niya lahat ng makakaya niya sa pelikulang ito na may puso.

http://tempo.com.ph/feed/