Lovi Poe, ayaw na sa showbiz?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 03 May 2019 13:35:34 +0000

timing box

 

 

NAGTATANONG ang fans ni Lovi Poe kung kailan daw ba siya babalik ng Pilipinas? Matagal nang out-of-the country ang Kapuso actress at nagbabakasyon-grande.

From New York, nagpunta si Lovi sa Los Angeles, USA at kasalukuyang nag-e-enjoy sa kanyang bakasyon. Panay ang posts niya sa socmed ng latest photos niya.

LOVI Poe (IG)

LOVI Poe (IG)

Nagtatanong ang fans kung boyfriend daw ba ni Lovi ang Canadian-American actor na si Terrence Combs na kasama niya sa picture? Magkasama lang , boyfriend agad?

May post din si Lovi na nagkita sila sa L.A. ni Maja Salvador at boyfriend nitong si Rambo Nunez.

Nagtatanong din ang fans ni Lovi kung ayaw na ba niya mag-showbiz? Sa upcoming GMA shows, wala yatang bagong project si Lovi. Bakit kaya? May kontrata pa ba siya sa Kapuso Network?

 

MAY KAPALIT

ROCCO Nacino (IG)

ROCCO Nacino (IG)

Kaya pala naalis si Rocco Nacino sa cast ng upcoming GMA series na “Dahil sa Pag-ibig” at pinalitan siya ni Benjamin Alves ay dahil inilagay siya sa ibang show.

Kasama si Rocco sa Philippine adaptation ng “Descendants of the Sun” na pagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang Big Boss. Gaganap si Rocco bilang Sgt. Major or Wolf.

Kasama rin si Jasmine Curtis-Smith na gaganap bilang Yoon Myeong o Moira. Matutuwa nito ang kanyang Ate Anne Curtis dahil may bago siyang project. Pinuri ni Anne ang acting ni Jasmine sa special participation niya sa “Sahaya” at nag-tweet na sana’y bigyan si Jasmine ng more projects para ma-explore pa ang acting talents niya.

Matunog ang balitang kahit may ongoing series si Jennylyn Mercado (“Love You Two”) ay siya ang leading lady ni Dingdong sa DOTS. Gaganap siya bilang Beauty na isang cardiothoracic surgeon.

 

MAY BEACH HOUSE

GLAIZA de Castro

GLAIZA de Castro

Bumili ng beach house sa Baler, Quezon si Glaiza de Castro. Almost every week ay ‘andun siya at nag-a-unwind.

Magaling na siyang mag-surf dahil surfing coach ang boyfriend niyang si David Rainey. Paminsan-minsan ay nagpapaturo siya sa ibang surfing instructors, ayon kay Glaiza para hindi maistorbo ang BF niya.

Pareho na sina Glaiza at Andi Eigenmann na surfing instructors ang mga BF.

http://tempo.com.ph/feed/