Alden Richards, Winwyn Marquez friends lang

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 18 Jun 2019 08:37:25 +0000

timing box

 

 

ITINANGGI na ni Winwyn Marquez na may “something” sila ni Alden Richards at ipinagdiinan niyang friends lang sila. Pero may mga ispekulasyon pa rin sa pagli-link sa kanilang dalawa.

WINWYN Marquez (IG)

WINWYN Marquez (IG)

Aware si Mark Herras sa isyu kina Alden at sa ex-girlfriend niya na aniya, “Bahala sila. Kung totoo man ‘yun o hindi.” Hindi raw siya judge para husgahan kung anuman ang na­mamagitan kina Alden at Win­wyn. Kaibigan niya si Alden, pero matagal na si­lang hindi nagkikita o nagkakausap.

Maayos ang paghihiwalay nila ni Winwyn. Asked kung may second chance pa kaya sila, huwag na raw pag-usapan ‘yun, ani Mark. Mukhang wala na, hindi kaya?

Ready na siyang magmahal muli, ayon kay Mark. Si Mark pa?

 

NAHIRAPAN

Thankful si Alden Richards sa magandang feedback sa slimmer look niya ngayon. Maraming netizens ang nag-like, kaya ime-maintain niya ‘yun, ani Alden. Sayang naman daw ang effort niya na mag-diet at mag-exercise para ma-achieve ang slimmer look niya.

Alden Richards

ALDEN Richards

Kinailangan ni­yang magpapayat para sa role niya sa “Hello, Love, Goodbye” bilang isang millennial OFW. Nag-immersion pa siya, nag-obserba at kinau­sap ang mga waiter sa isang bar-restaurant para mag-sink-in sa karakter niya.

Almost a month sila nag-shoot sa Hong Kong. Kaunti lang sila sa production, kaya sila-sila rin ang nagbubuhat ng mga gamit. Umaakyat pa sila sa ilang matataas na lugar bitbit ang mga ito.

Sa kabila ng mga hirap na naranasan during the shoot, super proud si Alden sa ginawa niyang pelikula under Star Cinema.

Suportado ng respective fans nila ni Kathryn Bernardo ang HLG. Nakaiskedyul na ang maraming block screenings nito.

 

ATE NA

JILLIAN Ward

JILLIAN Ward

Kung dati’y bunsong kapatid ang ginagampanan ni Jillian Ward noong child star pa siya, ngayong teen-ager na siya’y ate na ang role niya. Sa upcoming GMA series na “Prima Donnas,” gaganap si Jillian bilang Donna Marie, panganay sa tatlong magkakapatid. Sina Althea Ablan at Sofia Pablo ang mga kapatid niya bilang Donna Belle at Donna Lyn respectively.

Tampok din sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, at Aiko Melendez.

http://tempo.com.ph/feed/