Kris Aquino, di na Commercial Queen?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 26 Jun 2019 13:08:53 +0000

timing box

 

 

 

Out na ba si Kris Aquino bilang Commercial Queen? Dati’y namamayagpag siya sa TV commercials. Now, bihira na siyang mapanood.

KRIS Aquino (IG)

KRIS Aquino (IG)

Napalitan na siya ni Lea Salonga sa isang detergent soap. Hataw ngayon si Sarah Geronimo. Siya na kaya ang bagong Commercial Queen?

Sa male celebrities, namamayagpag sina Coco Martin at Luis Manzano sa kanilang TV commercials. Sino kaya sa kanila ang puwedeng Commercial King?

 

NEW FRIENDS

New friends ni Alden Richards sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam. Nagkatrabaho sila sa “Hello, Love, Goodbye” and during break­time, bonding-bonding sila.

ALDEN Richards

ALDEN Richards

Ani Joross, super bait si Alden. Magal­ing makisama sa co-workers. Walang kaere-ere, hindi feeling super sikat.

Isinasama nga raw sila ni Alden sa bagong project nito.

 

WEIRD

Guests sa “Minute to Win It” ang mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes at tinanong sila ng host na si Luis Manzano ng kanilang ka-weirduhan.

 

Ayon kay Richard, parang gym­nast matulog si Maricar. Kung anu-ano’ng posisyon nito kapag natutulog.

Pagbuko naman ni Maricar, kapag nagluluto si Richard ay kutsara o tinidor sa halip na sandok ang ginagamit nitong panghalo. Gano’n?

http://tempo.com.ph/feed/