Jake Zyrus may bigote na!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 01 Jul 2019 09:17:19 +0000

 

JAKE Zyrus (IG)

JAKE Zyrus (IG)

 

TULOY-tuloy sa pagbabago ng anyo ng mang-aawit na si Jake Zyrus, dating kilala bilang Charice Pempengco.

Nag-post ang 27–anyos sa social media ng litrato kung saan ibinida niya ang latest milestone sa kanyang biyahe patungo sa pagiging ganap na lalaki: ang pagkakaroon ng facial hair.

Walang nilagay na caption ang singer sa kanyang post.

Congrats, huh? Meron din kami niyan. Sa kili-kili. Charot!

Unang umamin si Zyrus na “tomboy” siya noong 2013.

Lumikha pa nga ng ingay ang kanyang rebelasyon, lalo na’t inamin niya rin na may girlfriend na siya sa katauhan ng singer na si Alyssa Quijano.

Noong 2017, sumailalim si Jake sa isang surgery kung saan pinatanggal niya ang kanyang ang mga suso.

Ibinida niya rin ito sa social media pagkaraka.

Ikaw na, Jake! (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/