Kris Aquino gusto mag-ninang

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 02 Jul 2019 12:19:56 +0000

 

ANGEL Locsin and Neil Arce (IG)

ANGEL Locsin and Neil Arce (IG)

HABANG walang tigil ang ulan sanhi ng low-pressure, nag-announce naman ng kanyang engagement ang mahusay na ak­tres na si An­gel Locsin sa fiancé na si Neil Arce sa Instagram.

Ilang pic­ture nga ang i-pinost niya hinggil dito, kung saan makikitang suot niya ang singsing na bigay ni Neil.

Umaapaw ang kagalakan ng mga netizens sa balita. Walang humpay na kino-congratulate nila ang dalawa.

Siyempre pa, may ilang taga showbiz din na bumati sa dalawa na friends nila. Kasama na nga rito sina Vice Ganda, Bea Alonzo, Marco Gumabao, Dominique Roque at Kris Aquino.

Ang pakuda nga ng huli kay Angel: “Ninang pa rin ba ako?”

KRIS Aquino

KRIS Aquino

Sinagot naman ito ni Angel ng: “Yes please ate!!! Please be our ninang!”

Kahit noong panahong si Angel pa at Luis Manzano, vocal na si Kris na gustong maging Godmother sa anumang kasalang magaganap sa “The General’s Daughter” star.

Sa post ni Angel sa IG na engaged na sila ni Neil, natuwa siya sa mga reactions ng mga netizens at sinabi niyang “Still on a high from every­one’s reaction and well wishes. He he he! Thank you sooo much for being part of our journey & adding so much joy to our engagement. Love you guys!”

Last 2017 nang gawing public ni Angel ang kaniyang feelings kay Neil sa Insta­gram at sinabi niyang “Falling in love with you was the best part of my 2017. Excited to share my 2018 with you.”

Agad namang itong sinagot ng “I love you” ng movie producer na si Neil na tuwang-tuwa naman na pumayag si Angel sa proposal niya.

Sey niya, “Thank you for allowing me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life.” (DANTE LAGANA)

http://tempo.com.ph/feed/