Kris Aquino pinalitan?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 05 Jul 2019 12:52:19 +0000

 

KRIS Aquino (IG)

KRIS Aquino (IG)

PARA wala nang magtanong at mag-shade, sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng isa niyang follower sa Instgram (IG) kung hindi na ba siya ang endorser ng isang detergent brand.

Napanood siguro ng nagtanong ang bagong TVC ng de­tergent na si Lea Sa­longa na ang bida.

Ang post ni Kris: “I have been taught GRATITUDE. I have had a wonderful, bilangin na­tin, 14 years (2005 was the 1st Pantene TVC) with @proctergam­ble. I have NEV­ER been selfish. Very blessed though, shoot­ing on Thurs­day (ka­hapon) with @uniliver. Umiikot ang mundo. And sincerely HAPPYwhere I am and with the endorse­ments I have. God has been so good. Several new ones with multinational and trusted local ones confirmed & with the contracts already being reviewed by DIVINA LAW. So let’s thank God for what’s here and what’s coming okay?”

Inakala rin na pinalitan na si Kris as endorser ng National Book Store dahil may TVC na lumabas na si Judy Ann Santos at isa sa kanyang mga anak ang bida. Pero sabi ni Kris, nag-shoot din siya ng TVC for National Book Store. Ibig sabihin, sila na ni Judy Ann ang faces ng NBS.

Samantala, kinain na rin si Kris ng K-drama dahil pagkatapos ma­panood ang “Sky Castle,” ang “De­scendants of the Sun” naman ang pinanood nito for two days straight.

Humingi rin siya ng recommenda­tion sa mga iba pang K-drama addicts kung ano ang dapat niyang panoorin.

Sa rami nang ni­rekomenda kay Kris ng mga katulad nina Anne Curtis at Carmina Villarroel, tiyak ilang gabi pa uling magpupuyat ito. (NITZ MIRALLES)

http://tempo.com.ph/feed/