‘Starstruck 6’ Avenger Liezel Lopez handang magpaka-daring

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 05 Jul 2019 13:16:41 +0000

 

LIEZEL Lopez (IG)

LIEZEL Lopez (IG)

MASAYA ang “Starstruck 6” Avenger na si Liezel Lopez na ni-renew ng GMA Management kamakailan ang kanyang kontrata sa kumpanya.

Feeling nga daw niya she’s “very, very lucky and blessed.”

Dagdag pa niya, “I’m very grateful kasi before I joined ‘Starstruck’ sobrang wala talaga akong alam in show business. Simula nu’ng pumasok ako sa ‘Starstruck’ and tinanggap ako ng Artist Center, sobrang na-feel ko na at home na kahit ako lang mag-isa dito sa Manila. Taga-Olongapo kasi ‘yung parents ko so, parang sila na ‘yung family ko and I’m very grateful.”

Sa ngayon daw handa nang mag-level up si Liezel.

Ibig bang sabihin nito puwede na siyang magpakadaring?

“I think po nasa age naman na ako na I can be daring,” diin ni Liezel.

“Kunwari hihilingin ng role na kailangan medyo daring, mer­ong skin na nakikita, it’s okay with me. Ayoko na­man maging barrier ko ‘yung pagiging conservative type,” dagdag niya.

Well, hindi na­man papahuli sa kaseksihan ang da­laga as made obvi­ous sa mga photos niya sa Instagram na karamihan ay nakabikini lang siya.

Pero take note ang pinaka dream role niya ay hindi yung tipong senswal o mapangahas.

“Actually ang pinaka-dream role ko po talaga is ‘yung mga psycho (roles) kasi sobrang challenging,” sagot niya.

Sisa ikaw ba ‘yan? Charot! (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/