Andrea Torres proud sa assets

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 06 Jul 2019 09:38:37 +0000

 

ANDREA Torres (IG)

ANDREA Torres (IG)

MARAMING male fans ang nahuhumaling kay Andrea Torres. Hindi sila magkamayaw sa angking ganda at alindog ng aktres.

Kung dati ay medyo nahihiya si Andrea dito, ngayon hindi na. Kumportable na siyang ipakita ang assets niya lalo na ang kanyang malusog na hinaharap.

Sey niya, “I realize na bigay ito ni Lord sa akin. Kailangan ipagmalaki ko. Sabi nga nila, if you have it, flaunt it. Pero dapat professionally. Kung kailangan sa eksena, doon mo lang ibigay. Walang room para mag-inarte ako.”

Unang pagbida ni Andrea sa isang GMA teleserye ay dual role niya sa “Sana Ay Ikaw Na Nga” noong 2012.

Ito at seven years after ay muli siyang gaganap ng isang dual role sa “The Better Woman.”

Sey nga ni Andrea, alam na niya kung paano paghiwalayin ang dalawang character sa “The Better Woman” dahil nagawa na niya ito before.

“Kung noon ay nahirapan ako, ngayon kayang-kaya ko na. Noong sabihin nga sa akin noong story conference na dual role ako, natuwa ako kasi I’ve done it before. Hindi siya madaling gawin pero mate-test ang acting mo talaga kasi kailangan mapabilib mo ang audience na magkaiba kayo ng personality.”

Sobrang sexy ang tema ng teleserye, kung saan ang isa sa mga characters ni Andrea ay magpapakitang gilas sa pole dancing.

Nahirapan daw dito si Andrea na umamin na nagkapasa-pasa ang mga legs niya sa pag-e-excute ng eksena.

“Inaral ko ang mag-pole dancing talaga para ipakita yung sensual aura ni Juliet. Kahit na pasaan ang legs ko after ng eksena, okey lang dahil ang ganda lumabas ang mga eksena. Pero promise, ang sakit sa legs at black and blue ako. Pero tiniis ko ang sakit!” tawa pa ni Andrea.

Pagdating sa love scenes with Derek Ramsay, wala rin daw kiyeme si Andrea.

“Noong tanungin ako kung may limitations ba ako, sabi ko wala! Pero dahil primetime kami, siyempre, may mga batang manonood, kailangan ay tame ang mga love scenes namin. Mahirap na raw na mamemohan ng MTRCB!

“Ang maganda kay Derek, nag-uusap muna kami bago i-shoot ang isang love scene. Ayaw daw niya yung magugulat ako. Para maganda raw ang reaction ko.

“It’s all professional work. First time namin ni Derek to work with one another at nagkasundo agad kami. Kaya enjoy ang makipag-love scene sa kanya,” malakas na tawa pa ni Andrea.

http://tempo.com.ph/feed/