Arnell Ignacio masama ang loob kay Long Mejia

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 16 Jul 2019 12:32:48 +0000

 

ARNELL Ignacio and Long Mejia

ARNELL Ignacio and Long Mejia

 

MASAMA pala ang loob ni Arnell Ignacio kay Long Mejia.

Ito ay dahil sa isang wig na kinuha ni Long sa tindahan niya na Creative Hair Sys­tems sa Greenhills na hindi pa diumano na­babayaran mag­pasahanggang ngayon ng komedyante.

Ayon sa isang ulat sa Pep, napilitan diumanong umamin si Arnell sa tsismis, dahil na rin sa sama ng loob kay Long.

Ang kay Arnell daw eh dapat nag­pasintabi man lang daw si Long sa kanya at kung sakali ay pagbibigyan naman niya ito na huwag na muna bayaran ang wig.

Kawawa naman daw ang mga staff niya.

Anyway, nangyari daw ito ng kasagsagan ng huling eleksyon kung saan tumakbo rin si Long nguni’t natalo ito.

Take note ang original na pre­syo ng wig ay P38,000. Binabaan pa nga daw ni Arnell ito at ginawang P25,000.

Bakit kaya hindi pa bayaran ni Long ito kung totoo man?

Madalas din na­man siya sa “Minute To Win It” ng Dos.

Magsalita kaya siya tungkol dito? (Delia Cuaresma)

http://tempo.com.ph/feed/