Angelica Panganiban luma-love life?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 18 Jul 2019 09:20:29 +0000

timing box

 

 

SANA nga, totoo ang bali­tang may bagong love life si Angelica Panganiban. Balitang isang foreigner ang bagong nagpapasaya ng puso niya ngayon. Luckson ang name na isang hip/hop rap artist mula sa Venice Beach, California, USA.

Unang nag-post sa socmed ng picture nila ni Angelica ang guy na ayon sa netizens, yummy at papali­cious ang dating. Siya na kaya si Mr. Right para kay Angelica?

ANGELICA Panganiban (FB)

ANGELICA Panganiban (FB)

Just curious, huminto na kaya si Angelica o patuloy pa siya sa kanyang countdown na gusto niyang mag-asawa na bago matapos ang 2019? Puwede pa siyang makahabol kung hayan na si Mr. Right at yayain siyang pakasal na. Whirlwind romance, di ba? Advanced mag-isip?

Hindi kaya na-influence si Angelica ng BFF niyang si Glaiza de Castro na foreigner ang boyfriend? Irish ang BF ni Glaiza.

 

NAG-AARAL

Speaking of Glaiza de Castro, nasa London siya ngayon at nag-aaral ng music. Matagal na niyang plano ‘yun at mga ilang buwan din siyang mananatili roon.

Nagpaalam naman siya sa GMA Network at thankful si Glaiza na pinayagan siya. Pagbalik niya sa Pilipinas, saka na siya bibigyan ng project.

http://tempo.com.ph/feed/