Female celebrity na parating late

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 23 Jul 2019 11:51:38 +0000

 

kampupot

HINDI naman pala talaga isinama ang isang female celebrity (FC) sa isang upcoming show. Kiyeme lang pala ni FC na tinanggihan niya ang project dahil ayaw daw niyang ma-stress.

Ang totoong dahilan, ayon sa isang source, mas pinaboran ng management ang isang kilalang personality (KP) na personal na nag-request na huwag isama sa show si FC.

Ayaw daw nitong makatrabaho si FC dahil parati itong late dumating sa taping. Nagkasama na sila sa isang show noon at nadala na si KP na parating naghihintay kay FC.

Ayon pa sa source, kung ipinilit ng management na isama si FC sa upcoming show, hindi ‘yun tatanggapin ni KP. (ROWENA AGILADA)

http://tempo.com.ph/feed/