‘Hindi ako in love’ – Angelica Panganiban

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 24 Jul 2019 11:48:02 +0000

 

ANGELICA Panganiban

ANGELICA Panganiban

WALANG katotohanan ang mga kumakalat na balita na inlababo ang aktres na si Angelica Panganiban sa isang foreign hunk.

Si Angelica mismo ang nag-issue ng denial.

Unang kumalat ang tsismis ma­karaang mag-post ang aktres ng litrato kung saan na­kayakap sa kanya ang for­eigner.

Paliwa­nag ng aktres, kaibigan lang niya ang for­eigner sa litrato.

“May mga kaibigan siyempre akong nakikilala kapag bumibyahe ako. Wala naman siguro masama doon,” dagdag ni Angelica.

Eh bakit nakayakap pa?

Eksplika ng magandang mestiza, “Ang tao talaga abroad, medyo hindi sila ganun ka conservative. I mean very expressive sila sa mga ginagawa nila.”

“Hindi ako in love,” diin pa niya.

And what about Cholo Barretto? Mukhang sweet-sweetan din kayo sa mga vacay photos ninyo…

“Natawa lang ako,” ani ng aktres na pinagdiinang walang ibang malalim na dahilan ang closeness nila ng binata.

“Malisyosa talaga ang mga tao. Kahit naman ako malisyosa din naman ako, ‘di ba? Pwede ko din pagdudahan ‘yun pero anong gagawin ko? Anong reaction ang gagawin ko? Wala na­man akong ginagawa,” paliwanag ni Angelica.

Okay, fine! (Delia Cuaresma)

http://tempo.com.ph/feed/