Career ni Julia Barretto nanganganib?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 26 Jul 2019 13:27:41 +0000

timing box

 

 

NANGANGANIB nga ba ang career ni Julia Barretto sa Kapamilya Network? Ito ang ispekulasyon na lumalabas ngayong nasasangkot si Julia sa matinding kon­trobersiya.

Ayon sa ilang sources, maraming Kapamilya stars ang sumusuporta kay Bea Alonzo tulad nina An­gel Locsin, Angelica Pan­ganiban, Janus del Prado, JC de Vera, Paulo Avelino, Bela Padilla,atbpa. May group picture pang lumabas na may pa-hashtag pa si Angel na “Para­KayB.” Obvi­ously Bea ang ibig sabihin ng letter B.

JULIA Barretto (IG)

JULIA Barretto (IG)

Sa ginanap na trade launch para sa upcoming shows ng ABS-CBN, may inannounce na bagong show para kay Bea at Richard Gutierrez kung hindi kami nagkakamali.

Komento ng ilang netizens, long-time talent ng ABS-CBN’s Star Magic si Bea, kaya hindi siya pababayaan ng network.

Si Julia kaya may show din?

 

TAKOT

Hindi kaya bahagi lang ng promotion ng upcoming movie nila ni Julia Barretto ang pa-encour­aging words ni Joshua Garcia sa kan­yang ex-girl­friend?

Nag-post si Joshua sa soc­med ng, “Mala­lampasan mo ‘yan. I know, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sa yo, eh!” Patungkol ‘yun sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Julia.

JOSHUA Garcia (IG)

JOSHUA Garcia (IG)

May pa-joke pa si Joshua ng “Baba car now.” Puwedeng isiping ‘yun kasi ang tawagan nila ni Julia noong together pa sila. Or, puwede ring isiping pinabababa niya ng car si Julia kaugnay ng pinost ng isang netizen na nakakitang sakay ng isang car sina Julia at Gerald Anderson noong dumating sila sa birthday party ni Rayver Cruz. Whatever!

Hindi kaya namomroblema ang producer ng upcoming movie nina Julia at Joshua kung paano ito ipo-promote dahil break na ang da­lawa? May report pa na diumano, inamin ni Gerald kay Dennis Padilla na nililigawan niya si Julia.

Sa halip na ma-focus ang promo­tion ng movie kina Julia at Joshua, mas mainit na pinag-uusapan ang pagli-link kina Julia at Gerald.

 

FRIENDS LANG

Friends lang talaga sina Angel­ica Panganiban at Cholo Barretto. Spotted sila sa birthday party ni Boy 2 Quizon sa isang QC bar-restau­rant na ayon sa isang eyewitness, walang kakaibang kilos o sweetness sina Cholo at Angelica.

‘Andun din sina Piolo Pascual, Ogie Alcasid, Neil Arce, mga ka­patid ni Boy 2, mga kasama niya sa “Bubble Gang,” atbpa.

http://tempo.com.ph/feed/