Sugar Mercado hindi sinipa

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 05 Aug 2019 09:12:59 +0000

 

SUGAR Mercado

SUGAR Mercado

MATAGAL nang usap-usapan ang biglaang pagkawala ni Sugar Mer­cado sa “Wowowin.”

Merong nagsasabi na sinipa ito mismo ng main host ng show na si Willie Revillame.

Meron naman nagsasabi na um­alis ito dahil na-insecure sa bagong host ng show na si Herlene o mas kilala bilang si Hipon Girl.

Natawa sa haka-haka si Sugar.

Aniya walang kato­tohanan ang lahat ng ito.

Siya raw mismo ang nag-desisyon na lisanin ang show.

Simple lang ang dahilan kung bakit: gusto raw niya tutukan muna ang mga anak niya.

Aniya, “Kasi si­yem­pre ‘yung kids ko, lumalaki na, mas kailan­gan nila ako ngayon. Eh wala na­man akong katuwang sa life. So, alam mo ‘yun, parang ‘yung oras ko, gusto ko munang ibigay sa kanila.”

Diin ni Sugar wala siyang prob­lem kay Herlene.

Mahal daw niya ito.

“Suportado ko siya. Love ko siya. Ako talaga kahit dati pa suportado ko lahat, lalo na kapag baguhan sa showbiz,” sey niya.

Eh, si Willie?

“Sobrang thankful ako kay Mr. Willie Revillame. So­brang nagpapasalamat ako sa kanya kasi malaki ang naitulong niya sa akin at sa mga anak ko. Mahal na ma­hal ko ‘yun.”

Eh di ayos! (Delia Cuaresma)

http://tempo.com.ph/feed/