Yamyam Gucong, sobrang saya

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 05 Aug 2019 10:11:22 +0000

 

YAMYAM Gucong (IG)

YAMYAM Gucong (IG)

HINIRANG na “Ultim8” Big Win­ner ang “Iskulit Bai ng Bohol” na si Yamyam Gucong sa engrandeng ikalawang gabi ng big night ng “Pinoy Big Brother: Otso” ng ABS-CBN na ginanap sa AATF Sports Complex, Imus Cavite nitong na­karaang Linggo.

Nang tawagin ang pangalan ni Yamyam as first placer, dumagun­dong ang buong gym sa kahihiyaw ng mga supporters niya.

Walang tigil sa kaiiyak sa so­brang tuwa ang Boholeño dahil natupad na ang kanyang pang­arap.

Halatang hindi makapaniwala si Yamyam sa kanyang pagkakapanalo. Kagaya nga ng sinabi niya punung-puno siya ng pangarap at pag-asa para sa kanyang pamilya.

Napanalunan ni Yamyam ang P2,000,000 cash, con­dominium unit, water refilling station business package worth P800,000 and travel package worth P300,000.

Natanong ng show host na si Toni Gonzaga kung ano ang pa­kiramdam ni Yamyam na natupad na ang pangarap niya para sa pamilya niya.

Sagot niya, “Thank you so much po sa inyo. Maraming maraming salamat po, sobrang saya ko po ngayong gabi dahil nasa inyong harapan ang ulti­mate big winner na si Yamyam. Na­patunayan ko na sa aking sarili kahit sa kahirapan kaya nating bumangon sa buhay. Kaya nating humarap sa kahit anumang hamon sa buhay. Maraming maraming salamat da­hil hindi po ako nagi­isa kasama ko po si Kuya, si God, at yung pamilya ko, at kayong lahat.”

Bago pa man nanalo si Yamyam, natanong ito ni Boy Abunda kung ano ang pipiliin niya, maging guro o maging artista?

“Maging guro na artista,” ani Yamyam habang tumatawa.

58.52 percent ng final text votes mula sa publiko ang ikinapanalo ni Yamyam.

Ironically, sa ayos ng kanilang pagkakaupo sa loob bago tawagin ang mga winners ganoon din ang naging placing ng pagkakapanalo nila.

Samantala, nakausap naman ni Melai Cantiveros ang butihing ina ni Yamyam habang nasa au­dience ito. Tinanong niya kung ano ang pakiramdam at ultimate big winner ang kanyang anak.

Tinagalog ni Melai ang sagot ng ina ni Yamyam dahil sa Bisaya niya ito sinagot. Sobrang saya at laki ng saya raw nito at nagpapasalamat siya sa Diyos at sa mga support­ers ng anak niya.

Ang mga iba pang nana­lo sa “Pinoy Big Brother: Otso” ay sina Kiara Taka­hashi, 2nd Big Placer; Lou Yanong, 3rd Big Placer; Andre Brouillette, 4th Big Placer; Fumiya Sankai, 5th Big Placer; Lie Re­posposa, 6th Big Placer; Ashley Del Mundo, 7th Big Placer; at Kaori Vinuma, 8th Big Placer. (DANTE A. LAGANA)

http://tempo.com.ph/feed/