Batang aktres may galit pa rin

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 06 Aug 2019 13:14:12 +0000

 

kampupot

HINDI pa pala nagkakaayos ang dalawang female young stars (FYS) na nagtatrabaho sa isang network.

Ang siste, dapat sana’y isasama si FY2 sa isang teleseryeng pinagbibidahan ni FY1. Nang nalaman ito ni FY1, nakiusap daw ito sa production staff na huwag isama si FY2 dahil ayaw na niyang makatrabaho muli ito.

Nagsimula ang sigalot between the two nang magkatrabaho sila sa isang teleserye noon. Nagkaroon sila ng conflict dahil sa isang young actor na kasama sa cast. Hindi nagustuhan ni FY1 na naging close si FY2 sa young actor. Samut-saring tsika ang nakarating kay FY1.

Matagal nang tapos ang show pero mukhang hindi pa rin pala na-resolve ang issue kina FY1 at FY2.

May kinikimkim pa rin palang galit si FY1 kay FY2. Dahil lang sa isang lalaki. Cheap huh! (Rowena Agilada)

http://tempo.com.ph/feed/