Weird John Lloyd Cruz

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 17 Aug 2019 09:02:44 +0000

timing box

 

 

SA isang interbyu noon kay Ellen Adarna ay sinabi niyang gusto niyang magkaanak kapag 30 years old na siya. Natupad ‘yun dahil nagkaanak siya kay John Lloyd Cruz. One year old na ang anak nilang si Elias Modesto.

Wala pa ring kumpirmasyon sa balitang hiwalay na sila. How true kaya ang sinasabi ng ilang sources na hindi naman mukhang af­fected si Ellen sa hiwalayan nila ni John Lloyd? Ang importante, na kay Ellen ang anak nila. Kahit hindi suportahan financially ng aktor ang anak nila, can afford si Ellen.

JOHN Lloyd Cruz

JOHN Lloyd Cruz

Rich ang pamilya niya at makakaya niyang suportahan si Baby Elias. May-ari ng chains of hotel sa Cebu ang pamilya niya.

Nawe-weirduhan sa itsura ngayon ni John Lloyd ang mga taong nakakakita sa kanya. Ma­layung-malayo na sa clean-cut at heartthrob image niya noong aktibo pa siya sa showbiz.

Na-weirduhan din ang neti­zens sa bagong profile picture ni John Lloyd sa kanyang Insta­gram account. Isang duguang ulo ng baboy na nilalangaw. Ano kayang ibig sabihin ni John Lloyd? Ano kayang trip niya?

 

Anne Curtis (photo from Instagram)

ANNE Curtis (Instagram)

HINDI NAGKITA

SA isang resto-bar sa Ti­mog, QC nag-celebrate si Marco Gum­abao ng kan­yang 25th birthday noong Aug. 14. Dinaluhan ‘yun ng kanyang family, friends at co-stars niya sa “Los Bastardos.”

‘Andun din si Anne Curtis na kasama ni Marco sa isang upcoming mov­ie. Dumating din si Sam Concep­cion. Pero hindi sila nagkita ni Anne. Nau­nang dumat­ing si Anne na pagkaalis niya, saka naman dumating si Sam. May nag-tip kaya sa kanya na darating si Anne? O, inalam kaya muna niya kung ‘andun pa ito o nakaalis na bago siya pumunta?

SAM Concepcion

SAM Concepcion

Ano kaya’ng naging scenario kung nagkita ang dalawa? Mag­batian kaya sila? Matatandaang nagka-isyu sina Anne at Sam ng boyfriend pa ito ng young sister niya, si Jasmine Curtis-Smith.

Hindi tang­gap ni Anne si Sam bi­lang boy­friend ng kanyang kapatid. Kesyo, hin­di raw kasi marunong mak­isama si Sam.

Mula sa isang yayamaning pamilya na may-ari ng isang beach re­sort sa La Union ang boyfriend ngayon ni Jasmine at tanggap ni Anne ang kanilang relasyon.

 

http://tempo.com.ph/feed/