John Lloyd Cruz dinaan sa kanta ang saloobin

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 23 Aug 2019 10:56:21 +0000

 

JOHN Lloyd Cruz

JOHN Lloyd Cruz

SOUND Trip ngayon si John Lloyd Cruz.

Nitong Huwebes, Aug. 22, ibinahagi sa social media ng aktor ang picture ng isang speaker na nakapatong sa upuan at isa pang speaker na nakapaloob sa isang timba.

Aniya sa caption: “From nosi balasi to kay bilis maglaho nang kahapon (minsan).”

Ang “Nosi Ba Lasi” siyempre ay isang sikat na kanta ni Sampaguita.

Ang linyang “kay bilis maglaho nang kahapon” ay parte ng lyrics ng kantang “Minsan” ng Eraserheads.

Hmmm…confirmation na ba ito ng diumano’y hiwalayan nila ni Ellen Adarna?

Sumuko na daw si Ellen sa ka-weirduhan ng tatay ng kanyang anak.

‘Di kaya?

Dedma and dalawa dati sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanila.

Ngayon kaya dedma na sila sa isa’t isa?

Sinundan ito ni John Lloyd ng isa pang kuha na tila still shot ng isang pelikula.

Ang caption: “Encapsulating is a dangerous road.”

Malabo ba? Actually… (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/