Janine Gutierrez, inggit?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 16 Nov 2019 09:05:32 +0000

timing box

 

 

WISH na rin kaya ni Janine Gutierrez makatanggap ng wedding proposal mula kay Rayver Cruz? Inggit-inggitan si Janine kay Sarah Geronimo na engaged na kay Matteo Guidicelli. “Anne is pregnant and Sarah is engaged. Huhuhu all is well,” tweet ni Janine.

JANINE Gutierrez (IG)

Nasa marrying age na rin siya. She’s 30 years old, 31 naman si Rayver. Sey ng JanVer fans, tiyak maganda o guwapo ang magig­ing anak nina Janine at Ray­ver. Maganda raw kasi ang kanilang kumbinasyon.

Ano’ng malay na­tin, baka may wedding bells na rin next year for Janine and Rayver? Sumunod na kaya sila sa bro-ther ni Rayver na si Rodjun Cruz na ikakasal sa December 22 sa fiancé ni­tong si Dianne Medina?

 

SAAN ANG KASAL?

SARAH Geronimo and Matteo Guidicelli

SARAH Geronimo and Matteo Guidicelli

Inaabangan ngayon kung kailan at saan ang kasal ng engaged couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. May mga nagsasabing baka raw sa Italy dahil tagaroon ang daddy at namayapang lolo ni Matteo. Pumayag naman kaya ang Daddy Delfin at Mommy Divine ni Sarah?

Simple and intimate wedding ang gusto raw ni Matteo, ayon sa isang source.

Inaabangan din kung kailan ang pamanhikan ng pamilya Guidicelli sa pamilya Geronimo. First time ever magkakasama ang dalawang pamilya.

Maraming pagsubok ang pinagdaanan ng relasyon nina Matteo at Sarah. Nangako si Matteo sa mga magulang ni Sarah na bibigyan niya ito ng masaya at magandang buhay. Aalagaan gaya ng pangangalaga ng mga ito kay Sarah. Mahal na mahal niya si Sarah at hangad niyang maging isang pamilya na sila.

Marami ang naiinggit kay Sarah at wish nilang makatagpo rin ng isang gaya ni Matteo Guidicelli na magmamahal ng wagas sa kanila.