Vice Ganda natalo nina Boobay at Tekla, anyare?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 22 Nov 2019 10:49:52 +0000

BY DANTE LAGANA

 

VICE Ganda, Tekla, and Boobay

VICE Ganda, Tekla, and Boobay

MARAMI ang nagulat sa latest ratings result kung saan makiki­tang natatalo ng “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ang kata­pat nilang “Gandang Gabi Vice” (GGV).

Paano kaya nangyari ito eh di hamak na mas sikat nga itong si Vice Ganda sa dalawang host ng “TBATS” na sina Boobay at Tekla?

Pero hindi nga puwedeng magsi­nungaling ang mga resulta.

Ayon sa Kantar Media, 5.7% lang ang nakuha sa ratings ng “GGV” noong Nov. 17 samanta­lang 6 percent ang nakuha ng “TBATS.”

Kahit sa AGB Nielsen lamang pa rin ang “TBATS” na na­kakuha ng 4.4 percent samantalang ang GGV ay 3%.

Kung ang iba ay tila gulat na gu­lat, hindi si Norman Balbuena aka Boobay.

May ideya daw siya kung bakit ganito ang nangyari.

Aniya, “Sa tingin ko po, kaya nakakahiligan na po ang aming programa, ay sapagkat ang ating mga Kapuso ay hindi lang basta nanonood kundi kasama po sila sa kasiyahan, meron po silang partisipasyon po… bukod sa studio, aming mga guests, kami po ni Tekla ay nag-iikot at lumalabas upang makapanayam ang ating mga kababayan…”

Siyempre pa, masaya siya sa re­sulta ng ratings.

“Sobrang grateful po kami sa naging pagtanggap ng
http://tempo.com.ph/feed/