Jak Rober­to at Barbie Forteza sinusulit work break

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 07 Dec 2019 09:49:52 +0000

timing box

 

 

A JAPAN nag-celebrate ng kan­yang 26th birthday si Jak Rober­to noong December 2 kasama ang girlfriend niyang si Barbie Forteza. Nagpa-picture sila sa Sapporo Clock Tower at may Yakiniku night pa ang sweet couple.

JAK Roberto and Barbie Forteza (IG)

JAK Roberto and Barbie Forteza (IG)

Mapapanood ang Japan trip nila sa vlog channel ni Jak na may 600K nang subscribers.

Sinusulit nina Barbie at Jak ang maluwag nilang schedule ngayong Holiday Season. Next year ay magig­ing busy na si Barbie sa bago niyang teleserye sa GMA7, ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” with Kate Valdez. Kasama sa cast sina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Teresa Loyz­aga, Migo Adecer, Jay Manalo, Celia Rodriguez at Faith da Silva.

Si Jak naman ay napapanood sa “Bubble Gang.” Three years na sila together ni Barbie at getting stronger ang kanilang relasyon.

 

AYAW PA

GLAIZA de Castro

GLAIZA de Castro

Hindi nakarating si Glaiza de Castro sa Luna Awards Night kung saan nanalo siyang best actress para sa peli­kulang “Liway.” Nagkataong kasal ng younger brother niyang si AlChris na ginanap sa resort nila sa Baler, Quezon.

Hindi naman siya napi-pressure kung nau­nahan pa siyang mag-asawa ng bunso niyang kapatid. Ani Glaiza, wala pa silang balak ng Irish boyfriend niyang si David Rainey. Enjoy-enjoy lang muna sila kung ano’ng meron sa kanilang LDR (Long Distance Re­lationship). Madalas itong dumadalaw sa Pilipinas para magkasama sila.

Balak ng kanyang BF na mag-invest ng business sa Pilipinas. Baka raw mag­sosyo pa sila, ayon kay Glaiza nang nakausap ng press sa Christmas Party ng GMA para sa press.

Ibinalita rin ni Glaiza na dalawa ang bagong projects niya sa GMA. Isang Afternoon Prime series at isang musical show. Ito ang pa­palit sa “Sunday Pinasaya.”

 

LIVE-IN

http://tempo.com.ph/feed/