May bago kay Alden Richards

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 03 Feb 2020 08:05:06 +0000

Mouthful box

 

KUNG nitong mga na­karaang taon ay puro pang-“wholesome” ang ine-endorse na products ni Alden Richards, ngayon ay nag-eendorso na rin siya ng alak.

A few days ago, pumirma si Alden ng kontrata as brand ambassador ng Embassy Whisky, isang produkto ng Tanduay Distillers, Inc.

Ayon sa kumpanya, sa dami ng mga sikat na aktor ngayon, napili nila ang Kapuso hottie “because of his positive and chill personality,” kaya anila, swak si Alden sa hinahanap nila sa isang artista to be their endorser.

Bilib ang product owners sa kakayahan ni Alden na maipakilala nang husto sa publiko ang kanilang whisky.

“He’s a perfect go-to drink­ing buddy,” say nila.

Unang pagkakataon nga ito ni Alden to endorse a liquor brand sa pagpasok ng 2020.

ALDEN Richards (FB)

ALDEN Richards (FB)

“I’m 28 years old na ngay­on, hindi na naman po ako teen-ager. Ten years na ko sa showbiz ngayong July.

“So, sa edad ko, okey lang sa ‘kin ito dahil naniniwala ako sa brand and since we’re promot­ing drinking in a moderate man­ner,” sabi ni Alden.

Mahilig rin daw siyang mag-organize ng small and intimate parties.

“Mga friends ko ang kasama ko, mostly ay non-showbiz. Whisky talaga ang gusto kong iniinom ‘pag ganitong okasyon. Chill lang ang dating,” saad ng blockbuster actor.

“As a whisky drinker, I know how it should taste like. Magu­gustuhan siya ng mga tao.”

Inamin naman ni Alden na never pa siyang nalasing nang husto, at basta may “tama” na siya dala ng
http://tempo.com.ph/feed/