Sanya Lopez, sobrang ingat

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 06 Feb 2020 11:36:11 +0000

timing box

 

ILANG araw na lang at Valentine’s Day na.

Pero alaws pa rin lovelife si Sanya Lopez na NBSB (No Boyfriend Since Birth).

Aniya, may mga nagpaparamdam, pero wala pa siyang natitipuhan.

Well, kung sino ‘yung matiyagang makakapaghintay, baka ‘yun ang sagutin niya.

For now, hindi priority ni Sanya ang love­life. Career muna.

SANYA Lopez (FB)

SANYA Lopez (FB)

LIMANG BESES MALIGO

BY the way, halos mapraning pala itong si Sanya sa nCoV (novel coronavirus).

Sobrang ingat ang ginagawa niya.

Limang beses nga daw siyang naliligo sa isang araw.

Kahit pagod siya galing sa work, nali­ligo siya.

At parati siyang may dalang face mask kapag umaalis ng bahay.

May alcohol o hand sanitizer din siya at umiinom ng vitamins sa morning at bago siya matulog sa gabi.

Kapag nagmo-mall show, hindi siya pinalalapit ng kanyang handler pati secu­rity guards sa crowd.

 

FALSE ALARM

AIKO Melendez (IG)

AIKO Melendez (IG)

HINDI pregnant si Aiko Me­lendez.

Kumalat ang tsismis na buntis si Aiko noong maisi­walat na nagsuka ito sa taping ng “Prima Donnas” sa Pam­panga.

Nagsuka lang, buntis agad?

Anyway, laking pasalamat ni Aiko sa executive producer ng show na si Marissa Jesuitas-Hilario dahil hindi siya nito pinabayaan.

Binantayan siya nito sa ospital hang­gang bumuti ang kalagayan niya.

May naka-stand-by na ambulance sa set na nagdala kay Aiko sa ospital, huh?

 

DI NAKIKIALAM

CONEY Reyes

http://tempo.com.ph/feed/