Sunday, November 15, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Libreng panonood ng Pinoy classics at patok na Kapamilya shows, patuloy na hatid ng iWant sa mga Pilpino

Patuloy ang iWant sa paghahatid ng libreng panonood at pinagandang streaming experience ng mga patok na Kapamilya shows, Pinoy classics, at iWant originals sa mga manonood mula Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa kampanya nitong “What U Want, Libre sa iWant,” tuloy-tuloy ang libreng saya sa panonood ng malawak nitong koleksyon ng mga programa at pelikulang patok sa mga Pinoy, mapa-mobile man, PC, o smart TV.

Libreng mapapanood sa iWant ang kinagigiliwang Kapamilya shows, tulad ng “Coco Martin’s Sigabo” “Someone, Someday,” at lahat ng episodes ng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan.” Hatid din ang libreng panonood ng noontime show na “It’s Showtime,” gabi-gabing balitaan sa “TV Patrol,” at mga game show nitong “Kapamilya Deal or No Deal” at “Everybody, Sing!” habang may libreng live access din sa Kapamilya Channel at DZMM TeleRadyo.

Handog din ng iWant ang libreng pagpapalabas ng mga pelikula, mapa-award-winning classics films gaya ng “Oro, Plata, Mata” at “Moral,” hanggang sa Star Cinema favorites na “Hello, Love, Goodbye” and “Four Sisters and a Wedding,” “Ang TV Movie: The Adarna Adventure” at “Hey Babe!”

Mapapanood din nang libre ang iba pang Kapamilya serye, kabilang ang “Be Careful with My Heart,” “Saving Grace,” “What Lies Beneath,” at ang Tagalog dub ng hit Asian telenovela na “Meteor Garden.” Mababalikan din ang classic at 2025 episodes ng longest-running drama anthology show na “Maalaala Mo Kaya.”

Libreng chikahan at tawanan naman ang hatid din ng iWant, tampok ang free episodes ng “Gandang Gabi Vice” habang libre ring napapanood ang debut episode ng “The Angeline Quinto Show.”

Libre rin sa iWant ang ilan sa mga original shows nito, kabilang ang lahat ng episodes ng katatapos lang na “Miss Behave” na pinagbidahan ni Alexa Ilacad. Tampok din sa libreng originals nito ang “Love at First Spike” nina Emilio Daez at Reign Parani, “Beach Bros” nina Kyle Echarri, Lance Carr, Brent Manalo, Sean Tristan at Raven Rigor, at iba pa.

Lahat ng ito, mapapanood kahit kailan at kahit saan sa iWant, the Home of Filipino Feels. I-download ang app sa Google Play o Apple App Store, o bisitahin ang iwant.ph para masimulan ang libreng panonood ng mga programa at pelikula nito.

More on this story: