Babae sugatan matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Makati
Sugatan ang isang babae matapos umano tambangan ng riding-in-tandem sa may Chino Roces Avenue, Bgy. Pio Del Pilar, Makati City nitong Huwebes ng umaga. Contributed via Karen de Guzman, ABS-CBN NewsMAYNILA — Sugatan ang isang babae matapos umano tambangan ng riding-in-tandem sa may Chino Roces Avenue, Bgy. Pio Del Pilar, Makati City nitong Huwebes ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag pasado alas-6 ng umaga ukol sa insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa isang puting sasakyan na minamaneho ng babeng biktima.
Tinamaan ng bala sa hita ang biktima
Posible umanong may kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo sa krimen.
May binanggit din umano ang biktima na isang person of interest na isinasailalim na sa beripikasyon ng mga imbestigador.
Patuloy ang imbestigasyon at case build-up ng Makati City Police Station upang matukoy ang mga responsable sa pamamaril. —May ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News