Saturday, November 14, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Pick-up nasagi ng delivery truck sa Aguinaldo Highway sa Imus

Nagtamo ng pinsala ang isang pick-up matapos masagi ng isang delivery truck sa bahagi ng Aguinaldo Highway, Barangay Palico II, Imus City, Cavite nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 23.

Ligtas at hindi nasugatan sa insidente ang babaeng driver ng pick-up, pati na rin ang driver ng truck, ayon sa Imus Component City Police Station.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng gabi habang papalabas ng isang fast-food chain ang pick-up upang pumasok sa Aguinaldo Highway.

Hindi umano napansin ng driver ng truck, na nasa gitna ng mabagal na daloy ng trapiko, ang papalabas na pick-up nang bigla itong umandar.

Ayon sa mga awtoridad, pauwi na sana sa Imus City ang driver ng pick-up matapos bumili ng pagkain, habang magde-deliver naman ng semento sa kaparehong lungsod ang nasabing truck.

Nag-uusap na ang magkabilang panig para sa maayos na pag-areglo at pagpapagawa sa natamong pinsala ng sasakyan.