Sunday, October 18, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Vice Ganda, nadiskubre ang dahilan ng pagkalagas ng buhok niya | It’s Showtime

Kapag masakit ang kalingkingan, dama raw ng buong katawan. Pero sa “It’s Showtime,” kapag may isang masaya, good vibes din ang mafe-feel ng Madlang People at buong sambayanan.

Ang mga “Miss Q and A” candidates of the day, mga young and beautiful, sa talakan ay witty at playful. Winner ang charisma nina Jass Lucky, Queen Veb, at Arci Simon.

Hey-ppy birthday kay Queen Veb, na ang wish ay maka-duet at mayakap si Darren Espanto. Ang motto niya in life, just go with the flow, to which Vice Ganda agreed. Sabi ni Meme Vice, importante na huwag magpakalunod sa stress and things that are beyond our control, dahil ang mga negatibng emosyon ay nagma-manifest sa katawan, lalo na sa body organs.

Hirit ni Jhong Hilario, ang anxiety ay nagdudulot ng hair fall. Kaya napaisip si Meme, baka ito ang dahilan ng pagkaubos ng buhok niya. Sana raw nalaman niya nang mas maaga!

Back to the pageant, maagang nag-bow ang birthday girl na si Queen Veb, samantalang ang natirang dalawa ‘laro-laro’ mode sa Wit Lang.

Naaliw si Meme nang maisingit pa ni Arci si Moira Dela Torre as she took on the question, “Sinong mas masarap kausap, ‘yung lasing o ‘yung naka-braces?” Playtime rin ang tanong na nabunot ni Jass, “Saan mas na-offend ang kulangot, no’ng binilog siya o pinitik siya?” kaya laro rin ang sagot niya.

Dahil parehong ayaw magpatalo, dalawang queens ang umupo sa trono. Sina Arci at Jassy ang kinoronahan na Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply