Monday, October 12, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

2 babaeng nagbenta ng nakaw na appliances online arestado sa QC

Arestado sa entrapment operation ang dalawang babaeng nagbenta ng nakaw na appliances online sa Barangay San Antonio, Quezon City nitong Martes, Oktubre 6.

Ikinasa ang entrapment operation sa isang warehouse nang tanggapin ng dalawang suspek ang bayad sa ibinebentang nakaw na appliances.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Edgar Escreza, commander ng Masambong Police Station, October 1 nang makatanggap ng mensahe ang isang online shop sa nagpakilalang buyer na nagpapahanda ng 15 unit ng split type na air-conditioning at 7 na unit ng flat screen tv.

Agad nagpadala ng isang bank deposit slip bilang proof of payment ang umano’y buyer kaya nagpadala ang biktima ng inisyal na anim na air-conditioning units.

“Then the next day vinerify po ulit ng bangko. Napatunayan po na walang pumasok at it was returned due to it was already closed or tumalbog ‘yung kanyang dineposit,” ani PLtCol. Escreza.

Limang araw lang ang lumipas ay nakita ng tauhan ng biktima na ibinebenta na online ang air-conditioning units sa mas murang halaga. 

“Nagawang makipagtransaksyon nung kanilang empleyado nung kanilang staff doon sa tao na yon at nakuha nila yung mga batch number, serial number, and brand or model number nung mga items na yon na saktong magkamatch doon sa mga items na nirelease,” sabi ni PLtCol. Escreza.

Doon na nagpasaklolo sa pulisya ang kumpanya at naikasa ang operasyon.

Nabawi mula sa dalawang suspek ang tinanggap nilang P120,000 at anim na air-conditioning units.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek na nakakulong sa custodical facility ng Masambong Police Station.

“Accordinly sa claim nung ating mga suspect naging channel lang daw sila yet they have to prove it on the court (JC) Kapag bumili ka ng nakaw may parusa at kapag nagbenta ka may karampatang parusa pa rin yon. (JC) Siguruhin natin na papasok yung payments nila, any form of online payment, kung kaya naman magkaroon na lang ng meet-up,” dagdag pa ni PLtCol. Escreza.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Fencing Law ang dalawang suspek.

Leave a Reply