Vice Ganda, Vhong, at Jhong, nag-reflect sa World Mental Health Day | It’s Showtime
Akala mo simpleng crush lang na pampasaya ng araw. Pero bakit palagi mo nang hinahanap at gustong matanaw? Baka hindi na ‘wala lang’ ‘yan, bestie. Baka ang Sabado mo sa kan’ya na, mare! Ang Sabado naman ng Madlang People, mas masaya kapag kapiling ang “It’s Showtime” family.
Get your Saturday dose of motivation mula kina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Vice Ganda, na nagbahagi ng mensahe as we celebrate World Mental Heath Day.
Paalala ng trio, magpahinga. Sabi nga ni Meme Vice, ang pahinga ay hindi dapat reward lamang matapos mapagod o maubos ang lakas, kundi dapat bahagi ng routine. Hindi kailangang hintaying sagad na sagad na tayo bago huminto at huminga.
Dagdag payo ni Meme Vice, hindi kailangang piliting maging masaya sa lahat ng pagkakataon. May mga araw na mabigat, may mga panahong mahirap, at okay lang na hindi palaging nasa best version tayo. Basta ang mahalaga ay patuloy nating piliing mabuhay araw-araw. Sabi nga ni Vice, “Life will not always be easy kaya dapat nagsusuportahan tayo.” Imbes na maghilahan pababa, mas magandang sama-samang umangat at magbigay ng suporta sa isa’t isa.
Libre lang talaga ang mangarap kaya lakasan ang loob. Sa pamamagitan ng talak na maningning, abutin ang mga bituin. Isang pangmalakasang “Miss Q and ” weekly finals ang hatid nina Jeraldine Brittany Hawthorne, JC Ibale, Arci Simon, Jass Lucky, Cola Jane, at Angel Umbac.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.