Wednesday, October 21, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

ABS-CBN at TV5, co-producers na ng ‘ASAP XP’

Mapapanood na rin sa TV5 ang “ASAP XP” simula October 18, kaya mas marami pang makakapanood at makaka-enjoy sa mga pagtatanghal ng kanilang paboritong stars tuwing Linggo.

Inanunsyo ang balita sa ceremonial signing sa “ASAP XP” event sa Pampanga ngayong araw, kung saan pinagtibay ang kasunduan ng ABS-CBN at TV5 para sa co-production ng programa.

Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, at chief partnership officer Bobby Barreiro ang mga kumatawan sa ABS-CBN. Sina TV5 chairman Manuel Pangilinan, MediaQuest president at CEO Victorico Vargas, at TV5 officer-in-charge Chaye Cabal-Revilla ang mga kumatawan sa TV5.

Patuloy na mapapanood ang performances ng paboritong Kapamilya stars kasama ang TV5 STAR WORX artists na magiging bahagi na ng programa.

Nakiisa sa selebrasyon ang “ASAP XP” stars na sina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Erik Santos, Darren Espanto, Alexa Ilacad, Robi Domingo, Belle Mariano, at Donny Pangilinan, kasama si Dylan Menor, at sina Carmela Lorzano, Selina Griffin, at Nico Matugas ng STAR WORX ng TV5.

Mapapanood ang “ASAP XP” sa TV5 tuwing Linggo kasabay ng pag-ere nito sa ALLTV, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWant, at TFC.

Mahigit tatlong dekada nang kasama ng mga Pilipino ang “ASAP” tuwing Linggo, hatid ang kantahan, sayawan, at performances ng kanilang paboritong stars at mga bagong artist.

Leave a Reply