Tuesday, October 27, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Ina sinaksak umano ng 14-anyos na anak na sinabihang mag-aral

Sugatan ang isang ginang matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang 14-anyos na anak sa kanilang bahay sa Laoag City, Ilocos Norte, Miyerkules. 

Ayon sa pulisya, nagalit umano ang binatilyo matapos pagsabihan ng 37-anyos na ina na mag-aral at bawasan ang paglabas kasama ang barkada.     

“Itong minor suspect natin ay naging irritated hanggang sa sinigawan niya yung nanay niya, sanhi ng nagalit po yung nanay niya,” sabi ni PMaj. Noel Cabacungan, information officer ng Ilocos Norte police. 

Umakyat umano ang binatilyo sa ikalawang palapag ng bahay at sinundan ito ng ina. Habang kinakausap, bumunot umano ng maliit ng kutsilyo ang teenager at sinaksak ang ina sa tiyan. 

Nang subukan ng ina na pigilan ang anak, muli umano siyang sinaksak sa dibdib.   Nakahingi ng tulong ang biktima at isinugod sa ospital. Nasa stable na kondisyon na siya ngunit nananatiling naka-confine sa ospital.

Dinala naman ang menor de edad sa Laoag City Police Station sa koordinasyon ng City Social Welfare and Development Office. Narekober din ng pulisya ang kutsilyong pinaniniwalaang ginamit sa insidente.

Leave a Reply