Tuesday, October 20, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Kris Aquino’s closest friends come to the defense of her son Josh: ‘May kuwenta si Kuya Josh!’

After hearing of the abusive remarks towards Kris Aquino’s older son in a recent episode of the podcast show Machong Chismisan, close friends and allies of The Queen of All Media decided they would share their own take on personally knowing Josh and defending him from the uncalled for comments about his disability.

Earlier this week, clips from the podcast Machong Chismisan in their episode titled  “S29E20: Ang Pagbabalik ni Kris Aquino,” showed one of them making an insensitive joke that mocked Josh in comparison to his younger brother Bimby, while the other hosts laughed while pointing out Josh’s condition.

Jack Salvador, one of Kris’s longtime personal assistants and confidante came to Josh’s defense in his October 14 post. He wrote, “Nakakalungkot lang na may mga taong kayang sabihing ‘walang kwenta’ ang isang tao dahil lang sa pagiging special niya. Pero alam n’yo kung ano ang tunay na walang kwenta? Ang husgahan ang isang tao nang hindi nakikita ang kagandahan ng kanyang pagkatao.

“Si Kuya Josh ay isang gentle giant ❤️ malambing, genuine, mapagmahal, at may pusong hindi kailangang magpanggap para mahalin.

“Makikita ang tunay niyang pagkatao sa paraan ng pagmamahal niya sa kanyang mama at pamilya, sa pagiging responsable niya sa pagbabantay at pag-aalaga, at sa respeto niya sa mga taong nakakasalamuha niya.

“Halos araw-araw, nangangamusta sa text. Hindi nakakalimutang magpasalamat at magsabi ng ‘I love you.’ Kadalasan, nag-aaya pang magdasal. Linggo-linggong nagsisimba. Mga simpleng bagay na maaaring ordinaryo para sa iba, pero napakalaking patunay ng isang pusong puno ng pagmamahal, pagpapahalaga, at pananampalataya.

“Pinalaki siya ng kanyang mama at pamilya na may respeto, paggalang, at takot sa Diyos. At ang mga aral na iyon ay nakikita sa kanyang mga kilos, hindi lang sa mga salita.

“YES, SPECIAL SIYA. Special dahil genuine. Special dahil marunong magmahal. Special dahil marunong rumespeto, magpasalamat, magmalasakit, at magpahalaga sa pamilya.

“Hindi nasusukat ang halaga ng isang tao sa talino, estado sa buhay, hitsura, o kung gaano siya kagaling magsalita. Minsan, ang pinakamahalagang katangian ng isang tao ay ang kabutihan ng kanyang puso.

“Kaya bago natin sabihing “walang kwenta” ang isang tao, sana isipin muna natin: Ano ba talaga ang sukatan natin ng halaga ng isang tao?

“Dahil ang tunay na yaman ng pagkatao ay makikita sa pagmamahal, respeto, pananampalataya, at kabutihang ipinaparamdam natin sa iba.

“MAY KWENTA SI KUYA JOSH. MAHALAGA SIYA. AT KARAPAT-DAPAT SIYANG RESPETUHIN. ❤️”

Another member of Kris’s inner circle is writer Darla Sauler, who addressed her post to Josh and shared everything she loves about him. She wrote,  

“I love you, Kuya Josh! ❤️

You are one of the kindest, most thoughtful, and most generous people I know. Mula pagkabata, witness na ako kung paano mo alagaan si Mama at si Bimb sa paraang alam mo, at kung paano mo rin alalahanin ang lahat ng tao sa paligid mo.

“Kung alam lang ng lahat kung gaano mo laging iniisip ang kapakanan ng ibang tao, kung paano mo gustong masaya ang lahat, at kung gaano ka kasaya kapag may napapasaya ka.

“Sa lahat ng naging lakad natin, I honestly can’t remember a time na umuwi ka nang walang dalang pasalubong para sa ibang tao. The driver, the angels sa bahay, the nurse, the teachers, si Bimb, si Mama—lahat! You always think of everyone. Dun nga madalas napupunta ang allowance mo eh! ♡ You would rather spend it making other people happy than spend it on yourself.

“And that, to me, says so much about the person you are.

“Kaya lahat ng tunay na nakakakilala sa’yo, bilib sa’yo at mahal na mahal ka. Because we see your heart. We see your kindness. And we know that you have so much love to give.

“I love you always, Kuya Joshy. Keep that beautiful heart of yours. The world needs more people like you. ❤️🤗”

Another longtime close friend of Kris is entertainment journalist Dindo Balares who could not hide his disdain at the behavior of the podcast hosts. He also hoped that this recent issue would not affect Kris’s health. 

He wrote, “Ano ang sukatan ng mga taong walang kuwenta?

“Kung may nilalait at pinagkakatuwaan ba tayong kapwa na may disability, tayo ang kahanga-hanga at wala nang kuwenta ang taong ginagawa nating katatawanan?

“Marami ang netizens na nagmamalasakit na nagpapadala sa akin ng link ng ilang kalalakihan na tinawag na walang kuwenta si Kuya Josh, ang panganay ni Kris Aquino.

“Walang idea ang mga lalaking ito kung sino si Kuya Josh, pero hintayin nila kung sinu-sino pa ang mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya.

“Ang mga tao at pamilyang ito ang hindi naisusulat o naiuulat na kusa o boluntaryong kumukupkop at nag-aalaga kay Kuya Josh tuwing nasa ibang bansa at nagpapagamot ang kanyang Mama Kris at ayaw niyang bumiyahe. Gentle giant at pinalaking magalang at mapagmahal si Kuya Josh, kaya paborito siya ng kanilang mga kaibigan at pamilya.

“Maging kami ng pamilya ko, nakahanda ring mag-alaga sa kanya anumang oras o panahon.

“Umiiwas pa sa sobrang stress si Kris, kaya marami siyang pinapalampas na mga isyu para sa pagbuti ng kanyang iniindang karamdaman.

“Alam na ng lahat na matitiis niya ang kahit na anong lait sa kanya, pero huwag mo lang kakantiin ang kanyang mga anak.

“Lahat ng ina sa kahit na anong species ng animal kingdom, kapag kapakanan na ng anak ang nakasalalay, makakakita ka ng pangil.

“Pero bilang isa sa mga nagmamahal sa mag-iina, sana’y ipaubaya na lamang muna ito ni Kris sa kanyang mga abugado.”

Leave a Reply