Saturday, October 24, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Lalaki, arestado dahil sa pangmomolestiya sa batang pamangkin

MAYNILA — Arestado ang isang lalaki na wanted dahil sa kasong Qualified Rape sa operasyon na ikinasa ng Quezon City Police District- Special Operations Unit (QCPD- SOU) sa Hugo Perez, Trece Martires, Cavite, Miyerkules ng umaga, October 14.

Ayon sa paunang ulat mula kay Police Major Jomar Ermino, hepe ng QCPD-SOU, Namamasukan bilang family driver ang suspek na may edad 51-anyos.

May warrant of arrest laban sa suspek mula sa Quezon City Family Court Branch 13, para sa kasong Qualified Rape dahil umano sa panggagahasa at pangmomolestiya niya sa 8 taong gulang na pamangkin na lalaki noong December 2022.

May inirekomendang piyansa ang korte na nasa P180,000.

Nakakulong na sa Camp Karingal ang lalaki habang inihahanda ang kanyang return of warrant.

Leave a Reply