Alamin: Paano kumilatis ng AI deepfake?
Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence (AI), nakababahala ang patuloy na paglaganap ng mas nagiging ‘kapani-paniwalang’ deepfake videos online.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), ang deepfake ay panggagaya sa boses at mukha ng isang tao na ginagamit ang kanilang mga larawan o video para makapanlinlang.
Ilan sa mga veteran journalist na naging biktima nito ay sina Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, Karen Davila, at Kabayan Noli de Castro.
Bukod sa mga kilalang personalidad, maaari ring maging target ng deepfake videos ang karaniwang social media users.
Kaya paalala ni ABS-CBN Research & Verification Unit Head Rowena Caronan na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita online.
Mahalaga rin aniyang tingnan ang orihinal na source at konteksto nito upang hindi malinlang at hindi na makatulong pa sa pagkalat ng maling impormasyon.