Sunday, October 25, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Bangkay ng lalaki na nakabalot sa foam natagpuan sa bangin sa Rodriguez, Rizal

RIZAL — Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa bangin sa Sitio Calumpit sa Barangay Macabud sa Rodriguez, Rizal nitong Sabado ng hapon, October 17.

Sa inisyal na pagsusuri ng pulisya, nakabalot sa foam mattress ang bangkay na tinalian ng electrical wires at shoelaces.

Nakabalot din ng masking tape ang mukha ng lalaki at may bakas ng pagkakasakal.

Nasa 30-45 anyos ang lalaki na may taas na 5’2″ hanggang 5’5″ feet, at kayumanggi ang balat.

Nakasuot ng itim na shorts, walang damit pang-itaas at may tattoo sa dibdib.

Naproseso na ng Rodriguez Municipal Police Station ang crime scene at nadala na sa punenarya ang bangkay.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at nasa likod ng krimen.

Leave a Reply