Masaralph De Leon’s winning answer in Miss Q&A Celebrity Edition 2026! | It’s Showtime
Twinkle, twinkle shining stars, mga gandang ‘di mo inakala, kuminang na para bang diyamanteng pambihira. It’s a special Miss Q and A edition sa pagsisimula ng ‘Disisyete’ week-long celebration ng “It’s Showtime.”
Pak na pak ang beauty ni River Joseph aka River Jean Phoa, na walang lapel at gray pants today dahil pakak-tail dress muna ang awra niya. Madlang People rin ay natulala sa ganda ni Vince Maristela aka Disney Vinces Maristela Araneta Siguion-Reyna.
At para bang ‘wala lang ‘to’ dahil pagrampa ay itinodo ni Ralph Miaca aka Ralph Mae Gento. Kapansin-pansin naman ang AZ Martinez na hawigan ni Ralph de Leon aka Masaralph de Leon. At mula South Korea, parang kimchi na hahanap-hanapin mo ang ganda ni Ryan Bang aka Saranghae Ronimo.
Ang tanong sa Beklamation, “Anong gagawin mo kung ang hiling ng mga magulang mo ay dalhin mo na lang sila sa ‘Home for the Aged’ kapag matanda na sila?”
Pare-parehong magagaling pero iisa lang ang pinakanagningning. Wagi bilang 2nd runner-up si River Jean Phoa, 1st runner-up si Saranghae Ronimo, at kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era Celebrity Edition winner si Masaralph de Leon.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.