Wednesday, October 28, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Comedy with a heart! Pokwang, Ethel, at Candy sa Miss Q&A Beklamation | It’s Showtime

Kung sa kanta ay may tinatawag na Last Song Syndrome, sa feelings naman ay may LSS din, as in Love Struck Syndrome. Kapag ang paborito mong Gen Z OPM love song ang pinatugtog, kapit nang mahigpit dahil baka puso ay mahulog. Makabagong tunog ng OPM ang soundtrip natin sa Day 3 ng “It’s Showtime” Disisyete anniversary celebration.

At sa araw na ‘to, mga comediennes ang nag-face off sa entablado para sa Miss Q and A Celebrity Edition. They ate and left no crumbs, sa pasabog nilang wit, laugh trip ang outcome!

Mula sa kaharian ng mga engkatada, pumasok sa mundo ng mga tao si Ethel Booba aka Bathalumang Ethelia, at ang masasabi lang niya, “Uwa!” Beep! Beep! Tabi dahil walang preno, walang U-turn at walang atrasan ang pagtalak ni Alora Sasam aka Alora Boulevard Cubao.

Sweet like candy, fierce like a diva naman si Candy Pangilinan aka Candiva Lacrofasia. Fur real ang ganda ni Verna Periwinkle aka Shitsue Ramirez. Bringing her superpower sa pagpaatawa, join din sa chukchakan si Pokwang aka Pokwangderwomom.

Bago ang Wit Lang pasiklaban, ang mga kandidata napagod na agad sa bardagulan. Pero hindi pa rin nagpawindang sa mga playtime na katanungan. Mula sa lima, tatlo ang pumaslak sa Beklamation, sina Powang, Candy, at Ethel. Kaya biro ng hosts, para bang Seniors Edition ang labanan.

Sa Beklamation, hinarap nila ang iisang katanungan, “Ano ang kukumpleto sa ‘yong pagkababae?” Sagot ni Pokwang, pamilya. Aruga naman ang kay Candy. At for the first time in Miss Q and A history, may isang kandidata na sumagot habang naka-earphones. Only Ethel can pull it off! At ang talak niya, naging buo ang pagkababae niya sa pagdating ng anak na si Michaela.

Itinanghal na 2nd runner-up si Candiva Lacrofasia, samantalang 1st runner up si Pokwangderwomom. At ang Miss Q and A Celebrity Edition winner for today ay si Bathalumang Ethelia.

Abangan ang more paandar sa pagpapatuloy ng ‘Disisyete’ anniversarry celebration ng “It’s Showtime!”

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Leave a Reply