Friday, October 30, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

21-anyos na lalaki, arestado matapos manggahasa ng 15-anyos na kapitbahay sa Quezon City

MAYNILA — Arestado sa Calamba, Laguna ang isang 21-anyos na lalaki na nanggahasa umano ng menor de edad sa Quezon City.

Na-aresto ang lalaki sa operasyon na ikinasa ng Quezon City Police District- Special Operations Unit sa isang bus terminal sa Calamba noong Martes ng hapon.

Ayon kay Police Major Jomar Ermino, officer-in-charge ng QCPD-SOU, residente ng Barangay Ramon Magsaysay ang 21-anyos na suspek na may warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape sa Quezon City Regional Trial Court Branch 102.

Walang inirekomendang piyansa ang korte.

“Ang biktima niya ay minor na kapitbahay niya. Ang nag-complain ay yung magulang ng minor,” sabi ni Ermino.

Ayon sa pulisya, unang nagtago ang suspek sa kanyang mga kaanak sa Bulacan bago siya nagtangkang tumakas at magtago sa Eastern Visayas.

“Nalaman po namin kahapon na sasakay po siya ng bus papunta sa Leyte,” sabi ni Ermino.

Sa koordinasyon sa mga bus company, nalaman ng QCPD na nakasakay ang lalaki sa bus na patungong Samar.

“Nakausap din namin yung driver na kung sakali ay bagalan ang takbo at mag-stay sa Turbina para doon namin nakuha yung suspek,” dagdag niya.

Aminado ang suspek na Agosto nakaraang taon nang magkakilala sila ng biktima na bagong lipat sa kanilang lugar.

Pero nang tanungin siya kung may kinalaman siya sa krimen na binibintang sa kanya sinabi niyang sa korte na lang daw siya magpapaliwanag.

“Doon ko nalang po papatunayan,” dagdag niya.

Nakakulong sa Camp Karingal ang suspek habang hinihintay ang kanyang commitment order mula sa korte.

RELATED VIDEO:

Leave a Reply