Thursday, October 29, 2026

Thinking Port

Another port for thinking people…

ABS-CBNNewsPhilippines

Mga paalala ng Manila North Cemetery para sa Undas 2026

Manila North Cemetery. Ryan Franco Verano, ABS-CBN News Digital Intern

Tinatayang 2 milyon katao ang bibisita sa Manila North Cemetery sa paggunita ng Undas sa Nobyembre ngayong taon, mas mataas kumpara sa 1.6 milyon noong nakaraang taon.

Naglabas na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng iskedyul at mga patakaran para sa nalalapit na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Mananatiling bukas ang sementeryo mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 2.

Ang huling araw ng libing ay sa ika-8 ng Oktubre habang ang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura sa loob ng sementeryo ay pahihintulutan lamang hanggang ika-27 ng Oktubre. 

MGA IPINAGBABAWAL
  • Baril at lahat ng uri ng patalim 
  • Alak o anumang inuming nakalalasing.
  • Mga alagang hayop 
  • Gitara at malalakas na speaker 
  • Mga bagay na maaaring magdulot ng pagliyab 
  • Kagamitang pang sugal

Ang Manila Hawkers Division ay magkakaroon ng 150 na tents sa buong lugar ng sementeryo. 

Magbabalik sa normal na operasyon ang Manila North Cemetery sa ika-3 ng Nobyembre.

Leave a Reply